January 2010
20 posts
5 tags
3 tags
5 tags
1 tag
2 tags
7 tags
Binura Ko Po.
Ang aking paliwanag.
Ang mali ko: hindi ko alam ang buong kuwento. Hindi ko inalam ang lahat ng dapat kong malaman. At hindi ko naisip na maraming makakapansin.
Noong kainitan ng Ondoy, nabasa ko ang lahat ng galing sa panig ng mga gumagawa ng kuro-kuro at nagpapasa ng balita: na naipit ang distribution ng relief goods ng Red Cross sapagkat wala pa sa eksena si Dick Gordon. (Hindi mga camera ang...
5 tags
3 tags
4 tags
6 tags
3 tags
7 tags
Paraiso Para sa Isang Blogger?
Paraiso bang maituturing para sa isang blogger na katulad ko ang, sa kahit na anong pagkakataong gustuhin niya, maaari niyang buksan ang dashboard ng kanyang blog at, katapat ang dalawang patlang para sa pamagat at katawan ng blog entry niya, kaya niyang magsulat, magsulat, at magsulat pa hanggang gustuhin niya nang tumigil (dahil hindi siya kailanman mauubusan ng mga salitang isusulat)?
Paraiso...
2 tags
6 tags
3 tags
3 tags
Rararaaaaromaromamagagaoohlala: freak love.
Oo, maaari mong ituring na isang walang katuturang pop single ang kantang Bad Romance ni Lady Gaga. Ngunit kung katulad kitang nakakaintindi ng mga bagay na weird (tulad ni Lady Gaga), makakaramdam ka ng matinding emosyon (tuwa, galit, pag-intindi) hindi lamang sa pagra-rararaaaaromaromamagagaoohlala niya kundi sa buong mensahe ng kanta niya.
Freak love, iyan ang interpretasyon ko sa kanta. At...
11 tags
Ititigil Ko na ang Panlalait kay Maoi Roca.
May nakakaalala pa ba sa inyo kay Maoi Roca?
Bahagi siya ng gag show na Tropang Trumpo (nasusulat [!]: before there was Bubble Gang, there was the one and only Tropang Trumpo). Pinakakilala sa Tropa sina Gelli de Belen, Michael V, Ogie Alcasid, Earl Ignacio, Smokey Manaloto, Carmina Villaroel, at Caloy Alde (mas kilala bilang si “Ogag”), ngunit hindi dapat makalimutan ang walang...
5 tags
Siya ba si Sitti Navarro? / Letseng Reservation.
Nagtatanong lamang dahil hindi ko makilala; para siyang babae sa dilim at nagmumukmok sa isang sulok (sa katotohanan [!], siya’y nagte-text lamang na parang walang pakialam sa mundo). Ang mundo at ako at hindi niya ako pinansin, at iyan ang ugat ng aking pagtatampo.
Ang tunay na katotohanan [!] ay hindi ako sa kanya nagtatampo. Napipikon ako sa Mag:net Cafe High Street sapagkat:
...
4 tags
Hindi Ako Mahilig sa Lutong Pinoy.
Maipaliliwanag ba ang kawalan ko ng hilig sa mga putaheng Pinoy? Heto at susubukan kong magdahilan:
Ang tatay ko ay mahilig sa dinuguan. Takot akong kumain noon nung bata pa ako.
Hindi magaya ng nanay ko ang paborito kong kare-kare ng Barrio Fiesta.
Masarap ang tapsilog at kumakain ako noon, ngunit sa aming bahay, paiba-iba ng pinagbibilhan ng karne ang nanay ko kaya’t iba’t iba ang...
4 tags
Oo Impiyerno! ("Hell Yeah" for Inglesyeros.)
Ano ba ang tunay na kahahantungan ng mga taong makasalanan at hindi napatawad ng Diyos kapag sila ay namatay? Oo, impiyerno!
Sa lumalagablab na mga apoy na pinamumugaran ng mga demonyong isa ang buntot, dalawa ang buntot, at kung anu-ano pang bilang ng buntot!
Sandali. Ilang uri ba talaga ng demonyo ang naninirahan sa mainit na lugar na ito?
Nasusulat [!] sa unang kabanata ng larong Diablo na...