Para sa mga romantiko, para sa mga nagma-marathon, para sa mga Pilipino, at para sa mga dayuhang naghe-hello, ito ang Calle Crisologo sa Vigan sa gitna ng Mestizo District na pinagpatayuan ng bahay ng mayayamang mga Tsinoy noong panahon ng mga Kastila.
Ito ang una kong isinulat dahil ito naman talaga ang pangunahin naming pakay nang magpunta kaming Vigan noong Sabado.
(Dahil sinabi kong para rin itong post na ito sa mga “dayuhang naghe-hello,” maglalagay na rin ako ng linyang mas maiintindihan nila: Hello ka rin! I’ve written about Calle Crisologo on Serial Tripper! Click here powhz!)